Tinatayang nasa 72 porsyentong okupado na ang mga kama sa mga intensive care unit (ICU) ng mga ospital sa bansa.
Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nasa high risk na ang maraming ospital kung saan kabuuang 73% ng 1,400 ICU beds ang nagamit na.
Nasa mataas na lebel rin ang occupancy rate na naglalaro ang bilang sa 70% ngunit hindi tataas sa 85%.
Samantala, 68% ng 20,500 ward beds sa buong bansa ay nagamit na kung saan 70% ng 4,100 ward beds sa National Capital Region (NCR) ay nananatiling okupado.
Facebook Comments