72 NA MAG-AARAL SA ELEMENTARYA, NAKATANGGAP NG BACKPACKS AT SCHOOL SUPPLIES

CAUAYAN CITY – Namahagi ng mga backpacks at kagamitan sa paaralan ang DPWH-Nueva Vizcaya Second District Engineering Office sa Kayapa, Nueva Vizcaya.

Ito ay bilang tulong sa 72 na mag-aaral mula sa Dayap Elementary School at Tibang Village Elementary School para sa nalalapit na pasukan.

Ang pamamahagi ay sa ilalim ng programang “Balik-Eskwela” na inisyatibo ng District Engineers League of the Philippines (DELP).


Layunin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral sa elementarya at upang matiyak na may magagamit silang school supplies sa kanilang muling pagbabalik sa paaralan.

Facebook Comments