72 OFWs na namatay sa COVID-19 sa Saudi Arabia, posibleng doon na ililibing – DOLE

Aabot na sa 72 Overseas Filipino Workers ang namatay sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19.

Hinihingi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang permiso ng mga pamilya na ilibing ang mga ito sa nasabing bansa bunsod ng mobility restrictions dulot ng pandemya.

Ayon kay DOLE International Labor Affairs Bureau Director Alice Visperas, nagbigay ng palugid ang Saudi Arabian Government sa Pilipinas para ilibing ang mga namatay na OFW dahil ang cremation ay ipinagbabawal sa kanilang bansa.


Sa ngayon, ipinapaliwanag ng DOLE ang sitwasyon sa pamilya ng 52 nasawing OFWs na hindi pa naililibing.

Tiniyak ni Visperas na ang pamilya ng mga documented OFWs ay makakatanggap ng insurance, end-of-service benefits mula sa mga employer, at bereavement at burial benefits mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Facebook Comments