72 oras na tigil putukan sa Sudan, sasamantalahin ng gobyerno para ilikas ang mga Pilipino sa Sudan na naipit ng gulo

Naghahanda na ngayon ang gobyerno sa mga nararapat na hakbang para mapauwi ang mga Pilipinong naipit sa gulo sa Sudan.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umaasa siyang mapapauwi na ang mga Pilipino roon matapos magdeklara nang tigil putukan sa Sudan.

Sa sectoral meeting kanina, nagbigay ng update ang Armed Forces of the Philippines at ang Department of National Defense sa pangulo kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon sa Sudan partikular kung paano mapapauwi nang ligtas ang mga Pilipino.


Sinabi ng pangulo na sa ngayon ay mahigpit silang naka-monitor sa sitwasyon upang makahanap ng oportunidad para mapauwing ligtas ang mga Pilipino.

Sa katunayan, ayon sa pangulo patungo na sa rehiyon sa Migrant Workers Secretary Susan Ople para tutukan din ang gagawing paglilikas sa mga Pilipino sa Sudan.

Facebook Comments