72 sa 96 Barangays sa Marawi City, masigla na muli ang kalakalan o negosyo

Masigla na muli ang economic activities sa 72 mula sa 96 barangays sa Marawi City bilang bahagi ng long-term roadmap sa ginagawang pagbangon nito sa pinagdaanang giyera sa pagitan ng militar at Daesh-inspired na Maute terrorist group.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario, concurrent TFBM chairman ng Task Force Bangon Marawi, ito ang sandigan ng pagsisikap ng gobyerno na maiangat ang financial growth sa antas ng komunidad.

Apela naman ni Marawi City Mayor Majul Gandamra huwag lamang tumutok sa ground zero dahil nanumbalik na ang aktibidad ng negosyo sa labas nito.


Sa ngayon ay pinamamadali na ng TFBM ang rehabilitation efforts sa ground zero kung saan 24 barangays ang pinalapad na ang mga road networks, inaayos ang mga drainage system at iba pang public infrastructure.

Facebook Comments