720,000 doses ng COVID-19 vaccine na Sputnik V, dumating sa bansa

Dumating sa bansa ang aabot sa 720,000 doses ng COVID-19 vaccine na Sputnik V.

Pasado alas-4:00 ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong sakay ang mga bakuna.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 360,000 sa naturang bilang ay gagamitin para sa first dose habang ang natitirang 360,000 pa ay ang gagamitin sa second dose.


Ang Sputnik V ay ginawa ng Gamaleya Institute mula sa bansang Russia kung saan magkaiba ang formula para sa first at second dose ng bakuna.

Ito na ang pinakamalaking delivery ng naturang brand na ipinadala sa bansa.

Facebook Comments