73.32% ng kabuuang populasyon sa bansa, fully vaccinated na!

Umakyat na sa mahigit 142.4 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Ayon kay Atty. Michel Kristian Ablan, acting Deputy Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary, aabot sa 65.9 million na indibidwal sa Pilipinas ang fully vaccinated na.

Katumbas ito ng 73.32% ng target population ng pamahalaan.


Nasa 71.2 million doses naman ang naiturok na ng gobyerno bilang first dose o katumbas ng 79.15%.

Habang umakyat na rin sa higit 12 million ang nakatanggap na ng booster shot.

Samantala, sa hanay naman ng mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang, nasa 933,404 na ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang sa mga edad 12 hanggang 17 taong gulang ay umabot na sa 8.9 milyon.

Kaugnay naman sa isinagawang special vaccination days sa ilang rehiyon sa bansa, ay nananatili pa ring mababa ang vaccination coverage.

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 32,826 na mga nabakunahan sa Cebu Province, 42,986 sa Region XI, 1,621 sa Region 11 at 12,606 sa BARMM.

Facebook Comments