Itinalaga ng Santo Papa bilang apostolic nuncio sa Israel at Cyprus si Archbishop Adolfo Tito Yllana.
Bukod sa pagiging apostolic nuncio, ang Pilipinong arsobispo rin ang apostolic delegate sa Jerusalem at Palestine.
Una rin itong naglingkod sa Australia simula noon pang 2015 at pinalitan niya sa kanyang bagong posisyon si Archbishop Leopoldo Girelli, na itinalaga naman sa India noon pang Marso.
Ang 73-anyos na arsobispo ay tubong Naga City at na-ordinahan na pari sa Archdiocese of Caceres noong Marso 1972.
Nagsimula siyang manilbihan bilang apostolic nuncio noong Disyembre 2001 nang italaga siya ni St. John Paul II sa Papua New Guinea at kasunod nito ay ginawa na siyang obispo sa St. Peter’s Basilica sa Rome noong Enero 2002.
Facebook Comments