Thursday, March 12, 2026

73 ANYOS NA MAGSASAKA, SUGATAN SA PANANAKSAK NG KAINUMAN SA ALCALA

Sugatan ang isang 73-anyos na magsasaka matapos saksakin ng kanyang kainuman sa naganap na insidente sa Alcala, Pangasinan nitong hapon ng Marso 11.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang biktima at ang suspek nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang usapan.

Sa gitna ng pagtatalo, bigla umanong sinaksak ng suspek ang biktima sa kaliwang bahagi ng ibabang tiyan gamit ang matulis na bagay.

Tinangka rin umano ng suspek na saktan ang biyenan ng biktima bago tumakas mula sa lugar.

Gayunman, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Alcala Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa Bayambang District Hospital habang nakadetine naman ang suspek sa custodial facility ng Alcala Police Station para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments