73 Chinese na sangkot sa telecom fraud sa China, pina-deport ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Pitumpu’t tatlong Chinese nationals ang pina-deport ng Bureau of Immigration (BI).

Ang naturang mga Chinese ay unang naaresto ng BI sa Ilocos Sur at Metro Manila dahil sa pag-o-operate ng telecom fraud business.

​Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang deportees ay matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad sa China dahil sa economic crimes.


Karaniwan aniyang binibiktima ng mga salarin ang mga mayayaman sa China kung saan sila ay nagpapanggap na pulis, piskal o di kaya ay mga huwes.

Pinalalabas aniya ng mga ito na may kuwestiyonable sa bank accounts ng mga biktima kaya kailangan silang imbestigahan at pagkatapos ay ipalilipat ang salapi sa account ng sindikato.

Nabawi ng mga otoridad sa isinagawang raids ang ilang improvised soundproof telephone cubicles, laptops, cellphones, computers, internet routers, at iba pang devices.

Sila ay isinakay ng China Eastern Airlines pabalik ng Tianjin, China.
Photo credits: DOJ

Facebook Comments