Okupado na ang 73% ng 4,200 Intensive Care Unit (ICU) beds sa mga ospital bansa para sa mga pasyente ng COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang nitong September 1, 71% ito ng kabuuang 1,500 kama sa National Capital Region (NCR).
Maituturing naman itong nasa ‘high risk’ level dahil mahigit na ito sa 70% pero hindi lalagpas sa 85%.
Samantala, umabot na sa 71% ng 14,900 ward beds sa bansa ang nagamit na habang sa NCR ay 73% ng 4,100 ward beds ang nagamit na rin.
Umabot naman sa 55% ng 3,200 mechanical ventilators ang nagamit kung saan 60% ng 1,200 ay nasa NCR.
Facebook Comments