73% TOTAL ELIGIBLE POPULATION NG SAN NICOLAS, NABAKUNAHAN KONTRA COVID-19

SAN NICOLAS, PANGASINAN – Nahigitan na ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang target nitong pitumpung porsyento (70%) ng kabuuang eligible population ang nabakunahan kontra COVID-19 na kung saan naabot nito ang 73% total eligible population nito ang kanilang nabakunahan.

Sa naitalang 73% ng lokal na pamahalaan ay binubuo ng 23,759 eligible population at umabot sa 17,437 ang vaccinated na nagbibigay kasiguraduhan sa kaligtasan ng publiko.

Pinakahuling bilang na nabakunahan dito ay 194 doses ng COVID vaccine, 186 ang naturukan ng Pfizer, at 8 ang nabigyan ng Sinovac vaccine.


Laking pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa buong Vaccination Team, dahil sa kooperasyon at pakikiisa ng mga ito sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Patuloy naman ang pakiusap ng lokal na pamahalaan sa publiko na patuloy ang pakikiisa para mapabilis naman ang herd immunity at recovery at maaaring maabot ang isang daang porsyento.###

Facebook Comments