73% personnel ng CHED, nabakunahan na kontra COVID-19

37

Nasa 73% na ng mga personnel ng Commission on Higher Education (CHED) ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay CHED Chairman Popoy de Vera, isa itong magandang balita na resulta ng pag-monitor sa ground level ng mga unibersidad na mataas na ang vaccination rate.


Nanggaling ang ulat sa 1,488 universities at colleges sa bansa.

Pinasalamatan naman ni De Vera ang mga Higher Education Institution (HEI) dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa kanilang Local Government Units (LGUs) para matiyak na nabakunahan na ang karamihan sa kanilang hanay.

Sa ngayon, sa bilang ng mga lalahok sa pilot run ng limited face-to-face classes, 91% na ng mga guro dito ang bakunado habang 97% ng mga mag-aaral ang fully vaccinated na rin.

Facebook Comments