73 Pinoy sa India, tinamaan ng COVID-19

225

Nasa 73 Pilipino sa India ang nagpositibo sa COVID-19 sa gitna ng kinahaharap na health crisis ng bansa.

Pero ayon kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr., karamihan sa mga tinamaan ng virus ay nakaka-recover na at hindi naman seryoso ang kanilang kondisyon.


Tiniyak din ni Bagatsing na maihahatid ang tulong sa Filipino community sa India alinsunod na rin sa utos ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.

Samantala, aminado ang ambassador na malabo pang makapagsagawa ng repatriation sa mga Pilipino dahil na rin sa travel ban na ipinatupad ng maraming bansa sa India.

Facebook Comments