CAUAYAN CITY – Umabot sa 74 bag ng dugo ang nalikom sa bayan ng Quezon sa isinagawang Year-End Blood Letting Activity.
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) – Rescue 819 ang aktibidad, katuwang ang Local Government Unit of Quezon, Rural Health Unit, Cagayan Valley Medical Center, at CIKAB Blood Network.
Isa sa mga nagbigay ng dugo ay si Municipal Mayor Jimmy Gamazon, kasama ang iba pang department heads ng bayan ng Quezon.
Ang mga nalikom na dugo ay ilalagay sa local blood bank upang magamit ng mga residente ng Quezon na nangangailangan nito, bilang bahagi ng adbokasiya para sa kalusugan at kapakanan ng komunidad.
Facebook Comments