74 na mga mambabatas, sumalang sa ikalawang batch ng legislative crash course

Natapos na ang ikalawang batch ng Executive Course on Legislation kung saan 74 na mga bagong mambabatas sa 20th Congress ang sumalang na kinabibilangan ng 52 district representatives at 22 kinatawan ng mga partylist.

Layunin ng programa na maituro sa mga neophyte congressmen ang proseso ng pagpasa ng batas at iba pang gawain sa Kamara na para sa ika-uunlad ng bansa.

Katuwang ng kapulungan sa programa ang National College of Public Administration and Governance ng University of the Philippines.

Sa kanyang opening remarks, ay pinuri ni House Secretary General Reginald Velasco ang commitment, energy at leadership potential ng mga kalahok na kongresista.

Hinikayat sila ni Velasco na gamitin ang kanilang posisyon para sa pagsusulong ng reporma na magpapabuti sa buhay ng kanilang pinaglilingkurang mamamayan.

Facebook Comments