74 pang COVID patients sa bansa, binawian ng buhay; bilang ng mga Pinoy na namatay sa COVID sa abroad, halos isang libo na

74 ang nadagdag ngayong araw sa mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na ang total deaths sa 10,116 o 1.99%.

1,783 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ay 507,717.


Habang ang aktibong kaso ay tumaas sa 30,126 o 5.9%.

500 ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 467,475 o 92.1%.

Nangunguna ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso, sumunod ang Rizal, Maynila, Bulacan at Cavite.

Samantala, 944 na ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na namatay sa virus matapos na madagdagan ng 3 panibagong kaso.

19 naman ang overseas Filipino na panibagong tinamaan ng virus kaya ang total cases na ay 13,633.

Ang aktibong kaso ay 3,941.

61 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 8,748.

Facebook Comments