740 TUPAD Beneficiaries sa San Manuel, Isabela, Nakuha na ang Sahod

Cauayan City, Isabela- Naibigay na ng DOLE sa pamamagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang sahod ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa bayan ng San Manuel, Isabela.

Pinangunahan mismo ni Vice-Governor Faustino “Bojie” Dy III ang pamamahagi ng payout ng TUPAD sa mga benepisyaryo kasama sina Congressman Allan U. Ty ng LPGMA Partylist, DOLE RO2 Director Joel M. Gonzales, Sangguniang Panlalawigan Member Edward S. Isidro, Mayor Manuel Faustino “King” U. Dy at ng mga local officials sa Community Center ng San Manuel.

Umaabot sa 740 benepisyaryo sa nasabing bayan ang tumanggap ng kanilang sahod sa ilalim ng TUPAD program.


Habang nasa 220 na mga Barangay Tanods naman ang nakatanggap ng cash assistance mula sa DSWD at bigas mula sa provincial government.

Buo naman ang suporta ni Congressman Ty sa mga programa ng pamahalaan at LGU na layong matulungan ang mga Isabelinos lalo ngayong panahon ng pandemya.

Ipinapaabot naman ni Vice Governor Bojie Dy ang kanyang pasasalamat sa kay Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III sa patuloy na pagtulong sa mga mamamayan ng Isabela sa pamamagitan ng kanilang mga programa at proyekto.

Facebook Comments