Nakauwi na ng bansa ang nasa 742 Pilipinong OFW mula sa United States at Kuwait matapos maapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang 439 sa mga nakauwi ay mula sa California, US habang ang 303 naman ay distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuwait na nakasama sa ipinatutupad na amnesty program ng Kuwaiti government.
Dagdag pa ng naturang ahensiya, ang mga OFW na nakauwi sa bansa ay agad na isinailalim sa 14-day quarantine ng Bureau of Quarantine.
Sa ngayon ay mayroon nang 9,628 na mga Pilipino ang nakabalik sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic kung saan, mahigit 6,680 dito ang seafarers habang 2,948 naman ang land-based OFWs.
Facebook Comments