744 na kilo ng smuggled na dilaw na sibuyas, nasabat ng mga awtoridad

Patuloy ang pagtutulungan ng Department of Agriculture (DA) sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para sugpuin ang smuggling o pagpupuslit ng agricultural commodities papasok ng bansa.

Kasunod na rin ito ng pagkakasabat ng 105 na sako o 744 na kilo ng smuggled na dilaw na sibuyas na nagkakahalaga ng P225,000.

Ayon kay Assistant Secretary James Layug, pinuno ng Wide Field Inspectorate ng DA, ang mga lokal na traders ang pangunahing naprotektahan sa pagka-intercept ng illegal na agri-products dahil kabawasan ito sa kanilang magiging lugi kung umabot sa lokal na pamilihan ang mga puslit na sibuyas.


Makabubuti rin ito para sa food safety ng mga kumukonsumo ng mga produktong pang agrikultura.

Nangako si Layug na mas paiigtingin nila ang pagpapatupad ng kanilang mandato na protektahan ang food supply ng bansa.

Facebook Comments