747 na mga pasaway na business establishments sa buong bansa, sinalakay ng BIR

Sinalakay ng buong puwersa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa buong bansa ang kabuuang 747 na mga tindahan, warehouses, at ibat-ibang establishments.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., lahat ng traders at owners ng mga sinalakay na negosyo ay sasampahan ng kaso at sisirain ang mga nakumpiskang kalakal.

Ang kabuuang tax liability ng mga non-compliant businesses ay hindi pa malinaw dahil sumasailalim pa sa proseso ng imbentaryo ang lahat ng nasamsam na kalakal.


Ang dalawang araw na national enforcement activity ay pinangunahan ni Commissioner Lumagui kasama ang lahat ng Revenue Regions at Large Taxpayers Service.

Muling nagpaalala ang BIR chief sa mga business stablishment na magbayad ng excise taxes.Kailangang umanong sumunod sa regulasyon sa excisable products.

Una nang nagsagawa ng nationwide raid ang kawanihan noong Enero at lahat ng illicit traders ay kinasuhan na.

Facebook Comments