74th Founding Anniversary ng San Mateo, Ipinagpaliban dahil sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Ipinagpaliban ang pagdiriwang ng ika-74 Founding Anniversary ng Bayan ng San Mateo dahil sa banta ng corona virus disease o COVID-19.

Una rito, nakatakda sanang idaos ang kapistahan ng Bayan ng San Mateo sa darating na Marso 17 hanggang 21.

Ayon kay Municipal Mayor Gregorio Pua, kinakailangan aniya na matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa nakamamatay na sakit bagama’t negatibo pa naman sa COVID-19 ang buong Cagayan valley.


Batay sa Municipal Ordinance No.1999-358 tuwing Marso 17 sa bawat taon ay nakasailalim na non-working holiday.

Inabisuhan naman nito ang publiko na maging mapagmatyag para makaiwas sa kahit anong uri ng sakit at ugaliin ang pagiging malinis sa katawan.

Hihintayin na lamang ang ilan pang pagbabago kaugnay sa COVID-19 at kung kalian posibleng ituloy muli ang nasabing pagdaraso ng aktibidad.

Facebook Comments