75-ANYOS NA LALAKI, TIKLO SA SAN CARLOS SA KASONG TANGKANG PAGPATAY

Arestado ang isang 75-anyos na lalaki sa San Carlos City, Pangasinan, Disyembre 10, dahil sa kasong tangkang pagpatay.

Dinakip ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station ang suspek, isang biyudo at walang trabaho na residente ng naturang lungsod, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Attempted Murder na may inirekomendang piyansang ₱40,000.

Nasa kustodiya na ngayon ng San Carlos City PS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments