75 anyos, nakipaglaban sa isang buwaya nang ‘kainin’ ang aso nito

166
Image via Newsweek

Nanalo ang 75 anyos na lalaki nang makipag-tug-of-war ito laban sa isang buwaya matapos isubo ang aso ng kaniyang anak sa Palm Harbor, Florida.

Ayon Buddy Ackerman, binabantayan niya si Osi, golden retriever, nang may sumulpot na 7’7″ na buwaya sa kanilang harapan.


Nag-tug-of-war ang dalawa at sinipa ni Buddy ang nguso ng buwaya dahilan upang maluwa si Osi at nakaligtas ang dalawa.

“I go up and slip and fall on my rear end, and the two of us are tugging. Alligator is going one way. I’m going the other,” paliwanag ni Buddy.

“I don’t know what would have happened with people with little Pekingese or something around. I guess we’d say goodbye,” dagdag niya.

Nagpapasalamat naman ang anak ni Buddy Ackeman na si Jody, dahil walang nasaktan sa nangyari. Tinawag niyang “hero” ang kaniyang ama.

Facebook Comments

From Advertisers