75 Chinese Nationals at 3 Iba pa, Timbog sa Sinalakay na Ilegal na Online Pasugalan

37

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 75 na mga Chinese Nationals at tatlong Pilipino sa ginawang pagsalakay ng mga otoridad sa isang kumpanya na nagsasagawa ng illegal na online gambling partikular sa isang hotel and resort sa Sitio Rafat, Brgy. Rapuli, Sta. Ana, Cagayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, dakong alas 9:30 kagabi nang isilbi ang search warrant para sa paglabag sa PD 1602 na inisyu ni hukom Nicanor Pascual ng RTC Branch 8, Aparri, Cagayan sa Villa Saturnina Hotel and Resort sa nabanggit na lugar.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng mga suspek na kinabibilangan ng 75 na intsik at tatlong mga Pilipino habang ang may-ari ng OFA Cagayan State Developer Corporation na si Frank Yu ay pinaghahanap ngayon ng mga alagad ng batas.

Nabatid na ang OFA Cagayan State Developer Corporation ay accredited bilang isang real state developer subalit napag-alaman na sangkot pala ito sa illegal online gambling.

Nakumpiska sa lugar ang 103 na laptop at desktop computers.

Kasalukuyan pa ang imbestigasyon ng Cagayan Police Provincial Office at Regional Anti-Cyber Crime Unit.

Facebook Comments