Target ng ARMM government na mapunan ang lahat ng teaching vacancies sa unang bahagi ng taon ayon kay Governor Mujiv Hataman, pahayag ito ni Hataman kasabay ng kanyang paglagda ng appointment papers at deployment orders ng 75 karagdagang mga guro sa lalawigan ng Maguindanao nitong Lunes.
Pumasa sa mahigpit na screening process ang naturang mga guro bago sila kinuha at itatalaga sa iba’t-ibang public elementary at secondary schools sa lalawigan.
Kinakailangan sumailalim sa Assessment and Competency Examination for Teachers in ARMM (ACETA), panel interview at teaching demonstration ang mga aplikante para sa teaching positions sa ARMM upang tasahan ang kanilang kakayahan at kahusayan sa pagtuturo.
Ang naturang proseso ay naglalayong palaganapin ang dekalidad na edukasyon sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, ang ARMM may 25,000 teaching at non-teaching staff.(photo credit:bpiarmm)
75 dagdag na mga guro sa Maguindanao!
Facebook Comments