75 NA KASO NG PAG ATAKE NG DIKYA SA TONDALIGAN BEACH SA SELEBRASYON NG PISTAY DAYAT, NAITALA

Buong weekend hanggang Labor Day, dagsa ang mga taong bumisita sa Bonuan Tondaligan beach bilang pagseselebra na rin ng pistay dayat 2023.
Ayon kay Tondaligan Administrator, Al Gregorio, maayos at wala naman kaguluhan ang nangyari matapos ganapin ang pistay dayat 2023 bukod umano sa naitalang mga kaso ng pag atake ng dikya.
Ayon sa kanya, dahil umano ito sa matigas na ulo ng ilang mga beach goers na mula sa outside Dagupan o Provinces kung saan ngayon lang muli nakabisita sa naturang beach.

Umabot sa pitumput lima o 75 ang naitalang kaso ng mga inatake ng dikya noong kasagsagan ng selebrasyon at noong weekend.
Ayaw daw kasi magpasuway ng iba at tuloy tuloy pa rin sa pagliligo sa mga parte ng dagat kung saan may mga dikya.
Hindi naman daw nagkulang ang kanilang paalala na mag ingat sa pagligo at maging responsableng bumibisita sa naturang beach.
Higit sa 10,000 -12,000 na katao ang bumisita sa naturang beach at wala naman naitalang kaso ng pagkalunod.
Sa ngayon, patuloy ang paglilinis dito sa may tondaligan baywalk at maaari pa ring ma-enjoy at bumisita mga nais pumunta para makapagrelax at makapag-unwind. |ifmnews
Facebook Comments