Inialok ng Pharmaceutical Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na bawasan ang presyo ng ilan sa mga ginagawa nilang gamot sa publiko ng hanggang 75-porsyento.
Ayon kay PHAP Executive Director Teodoro Padilla, handa ang ilang miyembro nito na ibaba ang presyo ng gamot gayan ng ibinebenta nilang maramihan o bulto sa gobyerno kung papayag ang Department of Health (DOH) hinggil dito.
Kabilang sa mga gamot na posibleng tapyasan ang presyo ang para sa sakit sa Puso, Diabetes, Kidney Ailment, Asthma, Psoriasis, Neurologic Disorders, HIV at Infectuous Diseases.
Ang mga gamot naman para sa iba’t-ibang uri ng Cancer gaya ng Breast, Colorectal, Lung, Cervial, Kidney, Ovarian, Lymphomas, at Prostate ay sakop ng price reduction.
Matatandaang isinusulong ng DOH ang pagsama sa 122 gamot sa Maximum Drug Retail Price (MDRP) para mabawasan ang halaga nito na aabot sa 50-porsyento.