75% ng ekonomiya, naibalik na matapos luwagan ang quarantine measures ayon sa NEDA

Umabot na sa 75% o three-fourths ng Philippine Economy ang muling nagbukas.

Ito ang inanunsyo ng National Economic and Development Authority (NEDA) matapos luwagan ng pamahalaan ang quarantine measures para sa COVID-19.

Ayon kay Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, umabot sa -0.2% ang Gross Domestic Product (GDP) sa first quarter ng 2020 na kauna-unahan mula noong 1998.


Tinatayang liliit pa ang GDP sa 2.0% hanggang 3.4% para sa kabuuan ng 2020.

Pero sinabi ni Chua na regular nilang nire-review ang projection.

Inaasahang makakabawi ang ekonomiya ng bansa pagdating ng third at fourth quarter ng taon.

Matatandaang isinara ang karamihan sa mga negosyo mula nang ipatupad ang lockdown mula March 17 hanggang May 31.

Facebook Comments