Tinatayang nasa higit ₱6,000 na halaga ng cash assistance ang natanggap ng mayorya ng mga Pilipino mula sa pamahalaan nang magsimula ang COVID-19 crisis.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 72% ng mga Pilipino ang nakatanggap ng cash aid mula sa pamahalaan.
Ang mga cash aid na natatanggap ng mga respondents ay nagmumula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nasa 41%, Local Government Units (LGU) na mayroong 14%, at nasa 11% sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Bukod dito, may ilang respondents ang nagsabing nakatanggap sila ng ayuda mula sa ilang government institutions (6%), Social Security System (4%), Department of Labor and Employment (2%), at ayuda para sa mga senior citizens at Persons With Disability (1%) at Department of Agriculture (1%).
Nasa 72% ng mga pamilyang nakatanggap ng tulong sa pamahalaan ay nakatanggap ng average na ₱6,588.
Ang mga pamilya sa Metro Manila ang nakatanggap ng mataas na halaga ng ayuda na nasa ₱8,354 kumpara sa Balance Luzon (₱6,701), Visayas (₱5,988), Mindanao (₱5,441).
Ang survey ay isinigawa mula July 3 hanggang 6 sa 1,555 respondents.