75 percent ng mga botante, lalahok sa plebisito sa BOL

Manila, Philippines – Mas mataas na turnout votes sa rehiyon ng ARMM kaugnay sa idaraos na pelebisito sa Bangsamoro Organic Law ang inaashan ng Commission on Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez,75 percent ng kabuuang 2.8 Million na mga botante ang inaasahan nilang lalahok sa plebisito.

Tiniyak naman ni Jimenez na handa na ang poll body para sa unang plebisito sa January 21 at sa ikalawang plebisito sa February 9.


Nilinaw din ni Jimenez na magkaiba ang magiging tanong sa plebisito sa mga lugar sa ARMM.

Para sa Lanao del sur, Magindanao, Sulu at Tawi-Tawi tatanungin ang mga botante kung “Payag ba sila na pagtibayin ang Organic Law sa Bangsamoro sa ARMM?”

Habang sa Basilan naman, bukod sa ratipasyon ay itatanong din kung payag ba sila na isama ang lungsod ng Isabela sa rehiyong autonomy ng Bangsamoro.

Facebook Comments