75 percent ng mga sumailalim sa VCO clinical trial, gumaling na; Requirements naman sa pagsisimula ng Avigan clinical trial, malapit nang makumpleto!

Umabot na sa 75% ng mga isinailalim sa clinical trial ng Virgin Coconut Oil ang gumaling na.

Ayon kay Department of Science and Technology Sec. Fortunato Dela Peña, bagamat hindi pa tapos ang kanilang clinical trial, marami sa mga sumailalim ang gumaling na.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Dela Peña na posibleng sa Nobyembre pa malaman kung may bisa o wala ang VCO bilang gamot sa COVID-19.


Nabatid na nasa 56 na pasyente ang lumahok sa clinical trial ng VCO na isinasagawa sa Santa Rosa Community Hospital sa Laguna.

Samantala, malapit nang makumpleto ang requirements para naman sa pagsisimula ng clinical trial sa Avigan.

Sa ngayon ay naibigay na sa Dept. of Health ang tablets na gagamitin para sa database at hinahanda na lamang ang deed of donation.

Matatandaang nasuspinde ang clinical trial sa Avigan matapos na hindi makumpleto ang requirements na dapat nagsimula noong Agosto.

Facebook Comments