75 pulis na nakipagsagupa sa Marawi siege, binigyan ng special promotion ng NAPOLCOM

138

Manila, Philippines – Kinumpirma ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagbibigay ng special promotion sa 75 PNP personnel na kasamang nakipagsagupaan sa Marawi Siege noong 2017.

Sa bisa ito ng inilabas na resolution no. 2019-120 ni NAPOLCOM En Banc Chairman at DILG Sec. Eduardo Año na may petsang February 13, 2019.

Alinsunod din dito sa rekomendasyon ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairaman at Executive Officer Rogelio Casurao – umani ng paghanga sa kanilang mga kabaro at sa taumbayan ang ipinakitang katapangan ng mga pulis sa pakikipaglaban sa mga terorista.

Noong nakaraang taon, nauna nang na-promote sa mas mataas na ranggo ang 745 mga pulis dahil sa pagbubuwis ng buhay para mapalaya ang Marawi.

Facebook Comments