Matapos ang mahigit dalawang taon nang mangyari ang giyera sa Marawi City sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute ISIS terrorist group.
Inaprubahan na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang promosyon ng panibagong 75 mga miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) na tumulong sa pakikipaglaban noon sa Maute Isis terrorist group.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao ang 75 mga SAF troopers na ito ay pangalawang batch na nabigyan ng Merit Promotion.
Una na aniyang nabigyan ng spot promotion ang 800 mga SAF troopers dahil sa kanilang katapangang ipinamalas matapos na makalaya noon ang Marawi City mula sa Maute ISIS terrorist group.
Paliwanag ni Casurao dumaan sa mabusising pag-aaral ang pagbibigay ng Merit Promotion sa 75 pang SAF troopers at inabot aniya ng ilang buwan bago ito naaprubahan.
Ang promosyon at benepisyo ng 75 SAF troopers ay pareho lamang ang effectivity sa naunang 800 SAF troopers.
Sa kabuuang mayroong 133 mga SAF troopers ang tumulong sa pagpapalaya ng Marawi laban sa Maute ISIS terrorist group.
May natitira pang 58 SAF troopers ang hindi pa naaprubahan ang promosyon pero ayon kay Casurao nakapasa na ang mga ito sa validation process at kailangan na lang ng ilang dokumento para maaprubahan na rin ang kanilang promosyon.