75 taong relasyon ng Pilipinas at US, pinuri ni Pangulong Duterte

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 taong diplomatic relations nito noong July 4.

Ang Pilipinas ay ipinagdiriwang ang 75th anniversary ng inagurasyon ng ikatlong Philippine Republic kasabay ng Philippine-American Friendship Day.


Sa isang taped message, inihayag ni Pangulong Duterte ang muling pagpapasigla ng pagkakaibigan ng Pilipinas at US.

Malaki aniya ang naging papel ng Estados Unidos para mabawi ng Pilipinas ang pagiging isang malayang bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte na malalim na ang ugnayan ng dalawang bansa.

“Seventy-five years ago, we, the Filipino people, inaugurated the Third Philippine Republic and established diplomatic relations with the United States of America. By doing so, we reclaimed our inherent right to an independent state and to forge relations with other countries on the basis of sovereign equality and respect,” sabi ni Pangulong Duterte.

Binanggit din ni Pangulong Duterte ang pagtutulungan ng dalawang bansa para labanan ang fascism at oppression.

“In a war we neither wanted nor asked for, we fought shoulder to shoulder with America for freedom and dignity. Together, we won alongside the free world,” sabi ni Pangulong Duterte.

Mahalaga ang alyansa ng Pilipinas at US para sa pagsusulong ng kapayapaan sa Asia-Pacific Region.

Facebook Comments