7,500 inmates, target mailipat sa ibang penal farms ngayong taon para ma-decongest ang Bilibid – BuCor

Inaasahang maililipat ang nasa kabuuang 7,500 inmates ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa sa ibang penal farms sa bansa ngayong taon ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ililipat ang nasabing bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL), mula sa minimum at medium security compounds ng NBP sa Iwahig Prison at Penal farm, Leyte Regional Prison at Davao Prison at Penal Farm.

Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., ang natitirang convicts sa Bilibid ay iilipat by batch sa regional prisons simula sa 2024 hanggang sa taong 2027 bilang paghahanda para sa pagsasara ng national penitentiary sa taong 2028.


Ang naturang hakbang ng BuCor ay alinsunod sa plano ng ahensiya na ma-decongest ang NBP.

Base sa data ng BuCor, nasa 51,134 ang kabuuang bilang ng mga nakadetineng preso sa pitong piitan at penal farms sa buong bansa.

Facebook Comments