75,000 na dalagang Pilipina, posibleng maging ‘batang ina’ sa susunod na taon ayon PopCom

Kumikilos na ang Commission on Population (PopCom) para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

Inilunsad ng PopCom ang Philippine Challege Initiative (PCI) para mabawasan ang tumataas na bilang mga batang ina katuwang ang Zuellig Family Foundation.

Sa taya ng PopCom, posibleng umabot sa 75,000 na dalagang Pilipina ang maging batang ina sa susunod na taon.


Ayon kay PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III, ang laban sa teenage pregnancy ay nagsisimula sa mga city at municipal hospitals kung saan nagiging first time mothers ang mga adolescents.

Ang maagang pagbubuntis ay nakakabahala lalo na at isa ito sa dahilan ng lumolobong populasyon.

Maraming batang babaeng nabubuntis mula sa edad 10 at hindi na nakakapagtapos sa pag-aaral.

Hinihikayat nila ang mga alkalde na resolbahin ang sitwasyong ito sa pamamagitan ng mga programa para sa mga first time mothers.

Sa ngayon, tatlong Local Government Unit (LGU) na ang tumanggap sa hamon, at inaasahang mas maraming alkalde lalo na sa Metro Manila ang inaasahang sasali sa inisyatibo.

Facebook Comments