753, KABUUANG BILANG NG KASO NG COVID-19 SA REGION 02

Cauayan City, Isabela- Apat (4) na bagong kaso ng COVID-19 ang muling naitala sa Region 02.

Ito ay kinumpirma ng DOH-2 ngayong araw, Agosto 30, 2020.

Dalawa (2) ang naitala mula asa bayan ng Cabagan, Isabela, isa (1) sa Tuguegarao City at isa (1) sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya.


Sa ngayon ay nasa 753 na ang total positive cases sa rehiyon dos, 206 rito ay aktibo.

Nasa 540 naman ang nakarekober sa nasabing sakit habang pito (7) ang naitalang nasawi.

Facebook Comments