Presyo ng mga produktong petrolyo, nakaambang tumaas na naman sa susunod na linggo

Nakaamba na naman ang posibleng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng kumpayang Unioil Petroleum Philippines Incorporated, tataas ng P12.20 hanggang P12.30 kada litro ng diesel, habang, P6.80 hanggang P7.00 ang itataas ng kada litro ng gasolina.

Ito na ang ika-labing isang linggo na sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.


Posibleng ipatupad ang nabanggit na price adjustment sa darating na Martes.

Facebook Comments