Umabot na sa higit 75,000 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang natulungang mapauwi ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) Region 1.
Sa datos ng OWWA sa kanilang Hatid Sundo Program, nasa 75, 192 na OFWs ang kanilang natulungan simula noong March 2020 hanggang sa kasalukuyang panahon.
40,516 OFWS mula sa Pangasinan, 14,330 sa La Union, 11, 795 sa Ilocos Sur, sa Ilocos Norte mayroong 8,507 at 44 na iba pa na natulungan mula sa ibang rehiyon.
Nagpasalamat ang OWWA sa apat na provincial government ng Ilocos region maging ang mga iba pang local government units sa pagtulong sa pagsundo at paghatid sa mga kababayang OFWs.
Ayon sa OWWA Region 1, magpapatuloy pa rin ang naturang serbisyo upang matulungan ang mga kababayang dumarating. | ifmnews
Facebook Comments