75K nahalaga ng Marijuana nakuha sa isang event consultant matapos isailalim sabuy-bust operation

Malay, Aklan – Umabot sa P 75,000.00 pesos na halaga ng Marijuana ang nakuha ng mga otoridad sa isang event consultant matapos nga isailalim sa buy-bust operation noong Huwebes ng gabi sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.
Nakilala ang suspek na si Paul Bryan Carreon Bravo, 37-anyos ng Quezon City at kasalukuyang nakatira sa nasabing isla.
Inaresto ang suspek ng pinagsamang pwersa ng Malay PNP at PDEA Aklan matapos itong mabilhan ng 7 sachet ng tuyong dahon ng marijuana kapalit ng P 3, 500 na buy-bust money mula sa poseur buyer.
Samantala, sa isinagawang body search sa suspek nakuha pa ang 8 sachet ng marijuana at ang kada sachet ay nagkakahalaga ng P 5,000.
Mahaharap naman ito sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 of Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments