Apat na araw bago matapos ang voter registration, masayang inanunsyo ng Commission on Elections Pangasinan na nakuha na nito ang 75,000 na target voter registration.
Ayon kay Attorney Marino Salas ang COMELEC Provincial Election Supervisor sa panayam ng iFM Dagupan, nasa 150, 000 na ang naka rehistro ng kanilang tanggapan.
Noong nakaraang taon nasa 1, 946,000 ang botante ng lalawigan ngunit Hulyo ngayong taon pumalo na sa 2,052,000 milyon ang indibidwal ang nakatakdang bumoto sa halalan.
Ang Agosto at Setyembre na huling dalawang buwan ay maraming naitalang nagpaparehistro. Karamihan aniya dito ay mga kabataan na ginising ng pandemya na nakita ang kahalagahan ng pagpaparehistro at pagboto.
Sa ngayon, inaasahan naman na maglalabas ng guidelines ang ahensya sakaling magkaroon ng extension ang voter’s registration.