76-anyos, nakaligtas sa pagkakahulog mula 7th floor ng apartment

162

Nakalagpas sa bingit ng kamatayan ang isang 76-anyos babaeng aksidenteng nahulog mula sa kanyang kuwarto na nasa ikapitong palapag ng apartment sa New York, US.

Nakaupo raw sa pasimano ng bintana ang kinilalang si Barbara Heller nang mangyari ang insidente noong Biyernes sa Manhattan.

Ayon sa pulisya, tumama sa terrace sa ikalawang palapag ang babae bago bumagsak sa mga kahon sa lapag.

Sinabi naman sa New York Post ng nagpakilalang kaibigan ni Heller na nakaligtas ang matanda dahil sa mga tumpok ng gulay sa kalsada.

Batay pa sa kaibigan, bahagya niya lang binuksan ang bintana para sa matanda, ngunit tinuluyan itong buksan ni Heller.

Nagtamo ng bali sa balakang, tatlong tadyang, kaliwang bukung-bukong si Heller na inoperahan nitong Lunes.

Facebook Comments