76 MAGSASAKA SA MANAOAG, NAGTAPOS SA KABALIKAT SA KABUHAYAN FARMING PROGRAM

Nasa 76 na magsasaka mula sa apat na barangay ng Manaoag ang nagtapos sa Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Farming Program ng SM Foundation Inc., katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at LGU Manaoag.

Pinangunahan ng St. Isidore Learning Site ang 12-linggong pagsasanay na sinimulan sa tulong ng DSWD, DA, DTI, CDA, TESDA, at LGU. Saklaw ng programa ang integrated farming system tulad ng pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at iba pang sustainable agriculture practices. Layunin nitong bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga maliliit na magsasaka para sa pangmatagalang kabuhayan.

Bilang suporta, maglalaan rin ang nasabing mall ng tatlong araw na trial market kung saan maibebenta ng mga nagtapos ang kanilang ani at produkto bilang panimula sa agri-enterprise.

Ayon kay Crisanto Fernandez, isa sa mga nagtapos, malaking tulong sa kanila ang mga natutunan sa programa.

Ang KSK ay bahagi ng adbokasiya ng SM Foundation na isulong ang inclusive growth at community development, lalo na sa mga sektor na nangangailangan ng dagdag na suporta. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments