Sa pamamagitan ng NULING INTER agency task force ng bayan ng Sultan Kudarat at Sultan Mastura sa unang distrito ng Maguindanao ay isinakatuparan ang JOINT BALIK BARIL PROGRAM CEREMONY kamakalawa.
Doon ay abot sa 76 na mataas at mababang kalibre ng LFAs ang isinuko ng mga may-ari nito mula sa mga nabanggit na bayan, 45 mula sa SK samantalang 31 naman ang sa SM.
Ayon kay Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura, malaki ang papel na ginampanan ng barangay officials sa naturang kampanya, hindi anya madali para sa kanila na hikayatin ang gun owners na isuko ang kanilang mga hindi lisensyadong baril ngunit nagawa pa rin ito ng mga opisyales ng barangay, bagay na pinasasalamatan ni Mayor Mastura.
Sinabi pa ng alkalde na mas matatamo ang tunay na kapayapaan kapag walang mga baril, mas malakas ang loob at mas matapang ang mga taong may baril na nagiging mitsa ng giriin at kaguluhan dagdag pa ni Mayor Mastura.
Malaki naman ang pasasalamat ni 603rd Brigade Commander BGEN Jesus Sarsagat (PA) sa positibong tugon ng mga residente sa kanilang AOR sa kampanya kontra LFAs ng gobyerno, anya hindi malayong magiging “gunless” society ang kanilang lugar kung ganito kaaktibo ang mga lokal na opisyal sa pagpapatupad ng naturang programa.
Inaasahang sa susunod na mga araw ay madadagdagan pa ang bilang ng mga isususkong LFAs sa bayan ng Sultan Kudarat at Sultan Mastura sa pagapapatuloy nga BALIK BARIL PROGRAM.
76 na LFAs mula sa mga bayan ng Sultan Kudarat at Sultan Mastura, isinuko!
Facebook Comments