Manila, Philippines – Pasok ang 76 na Senatoriables sa pinal na listahan ng Commission on Elections para sa halalan sa Mayo 13.
Kinabibilangan ito ng ilang re-electionist, mga dating Senador na nais bumalik sa kapulungan at ilang mga kilalang personalidad.
Gayunman, 13 sa kanila ang nanganganib pang matanggal sa final list.
Kabilang dito sina Alberto Alba, Ernesto Ansula, Hussayin Arpa, Rizalito David, Angelo de Alban, Alexander Encarnacion, Geremy Geroy, William Iliw-iliw, Josefa Javelona, Norman Marquez, Rolando Merano at Frank Naval.
Nabatid na umabot sa 152 na naghahangad maging Senador ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy noong October 14, 2018.
Samantala, nasa 181 partylist organizations naman ang nakasama sa final list ng COMELEC para sa gaganaping 2019 midterm elections.