Okupado na ang 76% ng 4,200 Intensive Care Unit (ICU) beds sa mga ospital bansa para sa mga pasyente ng COVID-19.
Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), 73% ito ng kabuuang 1,500 kama sa National Capital Region (NCR).
Maituturing naman itong nasa ‘high risk’ level dahil mahigit na ito sa 70% pero hindi lalagpas sa 85%.
Samantala, umabot na sa 74% ng 4,300 ward beds sa bansa ang nagamit na.
Umabot naman sa 57% ng 3,300 mechanical ventilators ang nagamit kung saan 63% ng 1,100 ay nasa NCR.
Facebook Comments