76% ng supply ng kuryente sa Leyte, Samar, Bohol – maibabalik na sa darating na Linggo

Leyte – Kinumpirma ng Department of Energy na sa darating na Linggo ay maibabalik na ng 76% ang supply ng kuryente sa Leyte, Samar, Bohol.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, target nila ang 100% na panunumbalik ng elektrisidad sa mga nilindol na lugar sa July 31.

Aabutin naman aniya ng anim na buwan o higit pa bago ma-fully stabilize ang transmission grid.


Aminado ang Department of Energy na malaki ang naging pinsala ng lindol sa power facilities kaya natagalan sila sa pag-restore ng kuryente.

Facebook Comments