
76 pang distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuwait ang dumating sa bansa sakay ng tatlong magkakahiwalay na flights.
Ang naturang OFWs ay sumailalim sa repatriation program ng OWWA matapos matapos magkaroon ng problema sa kanilang employers.
Ayon sa OWWA, mula Enero 2025, 1,580 OFWs na ang na-repatriate matapos magkaroon ng labor-related concerns, habang ang iba ay humanitarian cases, at emergency repatriations.
Hinimok din ng OWWA ang iba pang OFWs na nangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan lamang sa kanila sa pamamagitan ng hotlines.
Facebook Comments









