76 percent ng mga bakuna ng Sinovac at AstraZeneca, naipakalat na sa bansa

Aabot na sa 76 porsyento ng mga bakuna ng Sinovac at AstraZeneca ang naipakalat sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, katumbas ito ng 790,000 na bakunang naipadala na sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mula ito sa mahigit isang milyong bakuna na natanggap ng Pilipinas mula sa Sinovac na donasyon ng China at AstraZeneca na nagmula naman sa COVAX Facility.


Sa ngayon, aabot na sa 84,000 ang bilang ng mga nabakunahan na health workers sa buong bansa.

Facebook Comments